“I hope they will also stay committed to ending hunger and malnutrition in the country.”

Ipinararating ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya’y umaasang itutuloy ng susunod na administrasyon ang mga proyekto’t programa sa ilalim ng administrasyong Duterte na hindi matatapos ngayong paparating na 2022.

Aniya, “In each and every cluster, mayoong mga targets, may mga objectives, activities, plans, projects, and programs that we hope that the next administration can continue.”

Bilang chair din ng IATF on Zero Hunnger, maganda umanong kung ang susunod nga na administrasyon ay malakas din ang panukala kontra kagutuman at pagtuunan ng pansin ang pag-iimplementa ng National Food Policy ng bansa, na naglalayon sanang makapagbura sa kagutuman sa Pilipinas sa dadating na 2030.

Maaalalang malakas ang mga aksyon ni Nograles para rito, at maituturing nang core advocacy niya ito sa kanyang career bilang pulitiko.

Ipinararating pa niya na, “I hope that they will also stay committed to ending hunger and malnutrition in the country.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *