“Huwag harangan ang mga opisyal ng ICC sa pag-imbestiga! Kung walang itinatago, huwag matakot!”

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Palasyo at kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang harapin ang imbestigasyong gustong buksan ng mga opisyal ng International Criminal Court (ICC).

Matatandaang ang ICC ay mayroong mandato na mag-imbestiga’t mag-husga sa mga nangunguna ng mga malalalang krimen sa isang bansa na tila’y walang aksyong isinasagawa para rito – gaya ng War on Drugs na isinagawa sa Pilipinas.

Pinuna ni Hontiveros kung paanong ang Palasyo mismo ang tila’y nagpapatagal sa proseso bago maidaos ang isang imbestgasyon at nagbato ng katanungang, “Ano ba ang kailangan pang pagisipan, wala bang kumpyansa sa sariling paliwanag? Ano ba ang ikinakatakot?”

Ibinalik niya ang matatandaan nating sariling pahayag ni Duterte parito na, “Kung walang itinatago, bakit matatakot?”

Kinikilala ni Hontiveros na ang imbestigasyong ito ay makakapaghatid ng bagong pag-asa sa mga Pilipinong nabiktima ng walang habas na pagpapaslang na naidala ng war on drugs.

Ani pa niya, “Noon, ngayon, at kailanman, hindi natin sila bibiguin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *