Huwag daw ibunton sa lovelife ni Gerald ang galit ng masa dahil maraming nangungurakot na mas masahol ang gawain

Matinding pang-ookray at online bullying ang kinakaharap ngayon ng bagong anunsyong real-life couple na si Gerald Anderson at Julia Baretto matapos nitong aminin ang relasyon sa isa’t isa.

Ang dalawa ay sentro ng intriga at spekulasyon matapos ang diumano’y pang-ghost ni Gerald sa nobya nito rating si Bea Alonzo.

Hindi umano nagagalit si Gerald sa kabastusang inaabot ng mga bashers niya sa social media ngayon, ngunit ikinagugulat pa rin niya ang galit ng mga ito.

Ani ni Gerald sa panayam nito kasama si Boy Abunda, “Siguro sa mga intriga na darating, lalo na sa social media ang dali-dali lang sa Facebook magbigay ng comment kahit sobrang sakit.

Minsan nakahiga ako sa kama, iniisip ko ‘yun na parang, ‘Ang daming nagagalit sa akin dahil sa lovelife ko.

Maraming tao diyan na mas malala, nangungurakot.’”

Inamin nito na noong una apektado siya sa mga pahayag ng mga tao pero ngayon dinededma nalang umano niya ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.