Hubo’t hubad, ni-rape, at hinoldap ang 21 years old na biktima matapos magpaalam na ‘gagala’ lang.

Isang 21 years old na transgender man ang natagpuang patay sa Bagong Silang, Quezon City.
Patay, hubo’t hubad at nawawalan na ng mga gamit ang biktimang nakilala bilang si Ebeng Tria.

Ayon sa ina nitong si Cherry Tria, nagpaalam si Ebeng na makikipag-inuman kasama ang mga kaibigan matapos ang isang alitan sa kinakasama nito.

Idinagdag ni Cherry na, “May nagsabi lang po na kaibigan ng anak ko na may babae dawn a natagpuan sa Bagong Silang na ni-rape at hinoldap, at itinapon na lang doon sa bangin ng Bagong Silang. Wala nang buhay, naka-hubo’t hubad.”

Mayroong isang kaibigan ng biktima ang nagbulgar na sumama ang suspek sa paghahanap dito. Nang malamang isa siya sa mga huling nakasama ni Ebeng, hindi na siya pinauwi ng mga pulis. Kalaunan din ay umamin ito sa krimeng ginawa.

Kinondena ng Bahaghari, isang LGBT group, ang krimen. Ani nila, “We demand a full, immediate investigation, and the passage of the SOGIE Equality Bill now!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.