Hontiveros, tinutulak ang Teenage Pregnancy Prevention bill dahil sa pagdami ng nabubuntis na mga menor de edad!
Isang November 2020 Social Weather Stations (SWS) survey ang nakakakitang iniisip ng mga Filipino na ang teenage pregnancy ang pinaka-mahalagang problema ng kababaihan sa panahon ngayon dito sa Pilipinas.
Ayon sa datos ng SWS, tinatayang 59% ng mga Filipino ang naniniwalang ang early adolescent pregnancy ang pinakaimportanteng problemang kinakaharap ng bansa, kung ikukumpara sa mga sumusunod na Physical Violence na nasa 11%, at Unexpected Pregnancy naman na mayroon ding 11%.
Idadagdag pa na natagpuang ang mga ulat ng teenage pregnancies sa bansa ay tumaas ng 7% noong 2019 lamang.
Bilang tugon, nagsulong ng Teenage Pregnancy Prevention bill si Senator Risa Hontiveros. Ang Senate Bill No. 161 ay nagtutulak sa social protection ng mga batang magulang, naglalayon ding mabigyan sila ng kinakailangang health care sa buong pagbubuntis, bibigyan din ng guidance upang hindi na maulit ang pagbubuntis at counseling para makatulong sa kanilang mapalaki ang mga anak ng maayos.
Ani pa ni Senator Hontiveros ukol dito, “Teen pregnancy crisis has continued for a decade and continues to spike today goes to show that the prevention of teen pregnancy cannot take a backseat, even as we battle COVID-19.”
Upang mabigyang hustisya ang pangangailangan sa ganitong batas, nag-cite si Hontiveros ng datos galing sa Commission on Population and Development (POPCOM) na ang mga Very Young Adolescents (VYAs) na pagbubuntis ay tumataas mula pa noong 2011, at itinatayang lumago ng 63%. Mayroong 504 VYA deliveries kada araw.
Ipinarating ni Hontiveros na kaya niyang mag-kompromiso sa amendments hangga’t ang bill ay maitulak lamang.
Bilang pagtatapos niya, “There will be consequences for the future of our nation if we do not seriously solve this epidemic of teen pregnancy.”