Hontiveros, pinangungunahan ang daan para magkaroon na ng libreng dialysis!
Patuloy ang laban ni Senator Risa Hontiveros para sa pagiging libre ng Dialysis sa bansa.
Kasama ang Dialysis PH Support Group, magdadaos ng live si Hontiveros sa kanyang official Facebook page kung saan ibabahagi nila ang kwento ng ilang Dialysis patients, pati na ang pagtukoy ng paraan upang ang mga ito ay masuportahan.
Kinilala ni Hontivetos kung paanong basic need ang Dialysis para sa mga nangangailangan nito, at ang fee upang ito’y maganap ay natukoy niyang hindi makatao kung isasabay sa gastusin sa bahay ng mga pasyente.
Ang dialysis ay nagsisilbing lifeline ng ilang mga pasyente, at nabanggit sa post ni Hontiveros na maaaring umabot PHP 12,000 ang kailangang gastusin para rito sa isang linggo.
Kung isasabay ito sa financial crisis ng bansa na dulot ng pandemya, magiging malaking suliranin nga para sa naaapektuhan.
Magsisimula ang live sa alas-10 ng umaga sa April 22, 2021.
Ito’y isa lamang sa maraming mga proyektong tinahak ni Hontiveros at ng mga kasamahan niyang grupo upang makatanggap ng suporta galing sa gobyerno.