Hong Kong – Pasaherong dumating galing Pilipinas, bitbit ang UK variant ng Covid-19
Isang pasahero galing sa Pilipinas ang natukoy ng mga awtoridad ng Hong Kong na nag-positibo sa test ng UK Variant ng Covid-19.
Ayon sa head ng Communicable Disease Branch ng Center for Health Protection ng Hong Kong na si Dr. Chuang Shuk-kwan, ang pasaherong ito ay dumating sa bansa sakay ang Philippine Airlines flight PR300 noong ika-22 ng Disyembre.
Ang ibang mga pasyenteng napasailalim sa parehong pag-test ay ang mga dumating mula ika-22 ng Disyembre hanggang ika-4 ng Enero. Ang mga nag-positibo rin sa UK variant ay galing sa UK at France.
Ayon kay Chuang, “The UK variant originated back in September as the people have been flying around. We anticipated that it will appear in other countries.
We found them in the France or Philippines returnees and this is anticipated. Clearly we are implementing stringent measures. For example, quarantine for 21 days at designated hotels.”
Sa isang pahayag, nagsabi na ang Department of Health spokesperson Undersecretary na si Ma. Rosario Vergeire na ang DOH ay nanghingi na ng dagdag na detalye galing sa gobyerno ng Hong Kong. Magkakaroon din sila ng kopya ng flight manifest PR300 noong ika-22 ng Disyembre galing sa PAL.
Matatandaan nating noong ika-23 ng Disyembre nagpahayag si Health Secretary Francisco Duque III na walang kaso ng bagong variant sa bansa.