Hinimok ng dating presidente na si Ramos ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang nationalism at ang spirit ng People Power Revolution

Sa ika-35th na anibersaryo ng People Power Revolution ngayong araw, hinimok ng dating Presidente na si Fidel V. Ramos ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang nasyonalismo at ang “unparalleled spirit” ng People Power Revolution.
“The revolution is not over and the work remains unfinished until every Filipino enjoys the freedoms and rights embodied in our Constitution, our democracy secure, and we regain our seat at the table of the community of nations,” ayon sa dating presidente.
Ang tema ng taong anibersaryo ay: “EDSA 2021: Kapayapaan, Paghilom, Pagbangon (Peace, Healing, Recovery) na iniayon sa national efforts para labanan ang COVID-19 pandemic. Limitado rin ang makakapunta sa event at striktong implementasyon ng health standards ang ipapatupad ng IATF.
Binibigyang diin ng dating pangulo ang kahalagahan ng selebrasyon ng EDSA uprising at ang patuloy na pagbabahagi ng katotohanan ng istorya ng EDSA 1986 at ang legacy nito.Hinimok ng dating presidente na si Ramos ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang nationalism at ang spirit ng People Power Revolution

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *