Hinikayat ni Ralph Recto ang mga kapwa Batangueños na suportahan si Moreno at ang partida nito sa nalalapit na halalan sa May 2022!
Hinikayat ni Ralph Recto ang kapwa Batangueños na suportahan at iboto si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagtakbo nito sa pinakamtaas na posisyon sa bansa sa May 2022. Isinusulong nito na mabigyang ng 1 milyong boto si Moreno at ang partida nito sa nalalapit na halalan, bilang pagsuporta sa kandidatura ng mga ito.
Nanawagan si Recto sa mga residente na magkaisa at magtiwala sa kakayahan ni Moreno. Ani pa nito na ang kagalingan nito sa pamumuno ang magdadala sa bansa sa kaunlaran. Kinilala din ni Recto at pinuri ang pagtugon ni Moreno sa pangangailangan ng mga tao sa panahon ng pandemya at iginiit nan away maging modelo ito sa ibang mga lider ng bansa.
Ipinahayag din ni Recto na si Moreno ang lider na hinahanap ng mga tao. Taglay nito ang kakayahan, tapang at may puso sa paglilingkod kung saan binibigyang pansin nito ang kapakanan ng lahat lalo na sa mga pangkaraniwang mamamayan. Tiwala siya na sa pamumuno ni Moreno ay mapapabuti nito ang bansa at maitataas ang estado ng bawat Pilipino.
Maalala na nais ni Moreno na mapagaling at mapaghilom ang mga sugat ng mga nakaraang pulitika at pagkaisahin ang lahat tungo sa kaunlaran. Isang ehemplo nito ay ang pagbabago at pag-usbong ng Maynila simula ng maging alkalde si Moreno sa lungsod. Kung nagawa nitong mapaunlad ang iba’t-ibang sektor ng lipunan sa lungsod, tiyak na magagawa rin niya ito sa bansa para sa kapakanan ng mga Pilipino.