Hinikayat ni Grace Poe ang bagong PNP Chief na gumamit na ng body cams sa pulisya!
Hinikayat ni Grace Poe ang bagong PNP Chief na si Guillermo Eleazar na isali sa kanyang mga unang kautusan ang dati nang Supreme Court order na gumamit ng body camera sa harap ng pag-aaresto at pag-gamit ng search warrants.
Ani ni Poe, “I’m hopeful that the new Chief will push for the use of body and dash cameras to help make our police force more professional in the field.”
Idinagdag niya na ang mga camera na marapat gamitin ng mga miyembro ng pulisya ay hindi naman kamahalan, at madalas nang ginagamit ng mga pulisya sa buong mundo.
Nitong Marso lamang ipinaalala ng Korte Suprema na kinakailangan na ngang gamitin ng ahensya ang body cameras para sa pag-aarestong gagawin nila.
Patuloy ring iginiit ni Poe na ang mga body cameras na ito ay maaaring maging susi sa pagkokondena sa mga mayroon ngang sala dahil makukuhanan nila ang proseso ng pag-aaresto. Madaling mapapatunayan kung nanlaban nga o hindi ang mga suspek.