Hinihintay nalang ng CREATE Act ang pirma ng Pangulong Duterte bago maisabatas

Ang isinulong na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises ay naghihintay na lamang sa pirma ni Pangulong Duterte matapos itong i-ratify ng Kongreso noong Miyerkules.

Ang bill na ito ay naglalayong mareporma ang Corporate Income Taxes at Incentives sa bansa. Sa ilalim nito, ang income tax sa mga corporations ay magmumula sa kasalukuyang 30% pababa sa 20% para sa mga domestic corporations na may total assets na hindi lalagpas ng PHP 100M, hindi kasali ang lupa, at total net taxable income ng hindi hihigit sa PHP 5M.

Inisponsor ni Senator Pia Cayetano ang bill.

Para sa ibang mga corporation na hindi kasali sa nabanggit, mapapababa ang taxes nila sa 25%.

Ipapababa rin ng bill na ito ang minimum corporate income tax (MCIT) mula 2% sa 1% na lamang, at magiging epektibo sa Hulyo 2021 epektibo hanggang June 30, 2023.

Ani ni Cayetano ukol dito, “We ratify this unprecedented measure to serve as our roadmap to a more sustainable future as well as our fulfillment of the overdue reforms in the country’s tax and fiscal incentives system.”

Idinagdag niya pa, “The pandemic has changed us. It has changed the way we work, the way we live, and the way we do business. Necessarily, such an important fiscal measure would change too.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *