Hinihikayat ang lahat na humabol at magparehistro bago pa magtapos ang voter’s registration.

Hinihikayat ang lahat ng taong hindi pa rehistrado na humabol na at magtungo sa Comelec upang magparehistro. Nakatakdang ngayong Oktubre 30 magtatapos ang voter’s registration kaya naman may huling pagkakataon pa ang mga tao na magdesisyon.

Ipinaparating ni Senator Ana Theresia “Risa” Hontiveros ang kahalagahan ng pagboto ng bawat isa. Ang pagpaprehistro ng mga tao, lalong-lalo na ng mga first-time voters at kabataan, ang magdidikta sa mga future leaders ng bansa.

Ipinapabatid sa publiko na mahalagang magamit ng mga tao ang kani-kanilang karapatan sa politika sa pamamagitan ng pagboto at pagpili ng mga taong magseserbisyo sa kanila. Nararapat lamang na matutunan ng mga tao na kumilatis ng mabuti nang sa gayon ay mahirang ang mga karapat-dapat na pinuno.

Kaya naman, hinihikayat ni Hontiveros ang bawat tao na magsimula ng umaksyon sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa Comelec. Ang boto ng bawat isa ang magdidikta sa kinabukasan ng buong Pilipinas. Ika nga, “Every vote counts.”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *