Hinding-hindi makakalimutan ni Darren ang sinabi sa kanya ni Sarah na, “Sing from your heart.”

Nag-iwan talaga ng marka sa batang si Darren Espanto ng ‘The Voice Kids’ ang ‘pabaon’ sa kanya ni Sarah Geronimo.

Noong contestant pa si Darren sa show, si Sarah ang naging Coach niya at inaamin niyang dito nakapulot siya ng knowledge sa industriya at sa singing na hanggang ngayo’y ipinagsasaisip niya pa rin.

Malaki raw kasi ang impluwensya ni Sarah sa naging performance at career na minamahal at pinili niya para sa sarili.

Partikular na raw sa mga aral na napulot niya rito ay isang hinding-hindi niya makakalimutan, ang constant reminder na narinig niya kay Coach Sarah sa buong competition, “Sing from your heart.”

Paliwanag pa ni Darren, “Bilang isang bata, gigil ka lang talaga kumanta and to show your best in every performance. Pero, ang kulang sa akin that time, of course, since hindi ko naman alam ‘yung karamihan sa meaning ng mga songs na kinakanta ko, talagang kinakanta ko lang.”

Binulgar pa ni Darren na hindi lang ang pagkanta’t pagiging singer ang nag-mature sa kanya kundi kasali na rin ang pagkatao’t pananaw niya in general sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.