Hindi umano makakayang ma-liberalize ang ekonomiya kung walang maayos na data galing sa kanila!

Ipinapanawagan ni Senator Grace Poe sa National Economic and Development Authority (NEDA) na magsumite na sila ng mga datos tungkol sa power generation, transportation, broadcasting, at telecommunication upang makapag-amyenda na sila sa Public Service Act (PSA) ng mas maayos at epektibo.

Pahayag kasi niya, “Liberalizing certain sectors is hard because of national security concerns that we have to balance with economic concerns.”

Ang kawalan umano ng datos mula sa NEDA ay hindi makapagbibigay sa kagustuhan nilang ma-amyendahan ang PSA sa paraang makakatulong ng mainam sa lahat.

Natukoy na urgent ang pagpapalakas ng economic recovery sa pamamagitan ng pagpasa ng kinakailangang mga panukala, at kasali na rito ang PSA.

Ayon kay Poe, “Kung seryoso kayo sa pagkakaroon ng successful na PSA, ibigay niya na sa amin ang data at projections.”

Bago magtapos, ipinarating ni Poe na dapat nang pangunahan at akuin ng NEDA ang responsibilidad na mabigay ang kontribusyon nito para maprotektahan ang interes ng publiko lalo na sa PSA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *