Hindi tumitigil ang paglikas sa mga Pilipino mula sa bansa matapos ang pagsakop ng Taliban dito!
Kabi-kabilaan na ang kanya-kanyang repatriation ng mga bansang mayroong nationals sa Taliban-conquered Afghanistan.
Kasali rito ang Pilipinas, na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang evacuation operations para siguruhing walang Pinoy ang mastra-stranded sa bansa at na hindi masangkot sa kaguluhan doon.
Nitong August 18 lamang ay ilang Pinoy ang nakasakay sa British Royal Air Force C-130 na lumapag sa Dubai at kalauna’y tumulak pa Southampton, England.
Kasama sa limang Pilipina na nailikas si Nina Pastor, na nagsabing, “Kung wala pong terrorism, Afghanistan is a very good country. Yung weather, yugn tao madaling ka-trabaho.
Pero sa isang glap lang, natakeover ng Taliban. Nakakalungkot lang po. Grateful po ako na nakapag-work din ako sa Kabul.”
Malaki umano ang pasasalamat ng mga nakalikas nang Pinoy sa mga Afghan Locals. Hindi sila sinaktan ng mga Taliban at hhinayaan lang makaalis.