Hindi sana sasama ang anak, ngunit naging substitute passenger at nadawit sa aksidente!
Ama ng isang substitute passenger sa C-130 flight na nag-crash sa Sulu, sobrang lungkot sa pagluluksa para sa anak.
Ang anak umano ni retired Colonel Wilfredo Tato na si Lieutenant Alexandria Tato ay sumakay sa C-130 flight bilang substitute passenger ng C-130 flight at pumalit sa puwesto ng isang nurse na nagdesisyong hindi sumama.
Ani pa ni Wilfredo, “Anak, sa pagpanaw mo, ‘wag mong kalimutan na mahal na mahal ka naming. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit sa ganitong paraan ka kinuha ng Panginoon? ‘Yan ang hindi ko maintindihan, bakit sa ganitong paraan?”
Nauna na raw nitong sinabihan ang anak na huwag sumama sa flight na ito dahil mayroon nang naunang na-report na problema rito, ngunit matapos ang isang araw sumakay daw ang anak.
Idinagdag pa ni Wilfredo, “Panay hagulgol ni misis, pati ako. Para akong sira ulo na nakaupo sa tabi tapos bigla akong sisigaw.
Kasali si Alexandria sa 51 kataong namatay sa crash ng military aircraft sa Patikul, Sulu.
Mauunang dadalhin ang mga labi niya sa Villamor Airbase upang patawan ng military honors, at pagkatapos ay dadalhin na siya sa pamilya niya.