Hindi raw ang pagbabakuna ang rason ng kamatayan, ngunit ang pagkakaroon ng health worker ng COVID-19 mismo
Isang Health Worker ng bansa ang namatay sa COVIC-19 9 days matapos itong mabakunahan, ngunit iginigiit ng gobyeno na ang kanyang kamatayan ay hindi dulot ng pagbabakuna sa kanya.
Ang 47-year old ay naunang maimpektuhan ng COVID-19 noong nakaraang taon, at mayroong hika, hypertension at diabetes. Noong ika-22 ng Pebrero nakitang positibo ito sa COVID-19 ngunit nagkaroon din ng negative na resulta sa sumunod na araw. Natanggap niya ang kanyang bakuna noong ika-4 ng Marso ngunit nagpositibo ulit sa virus apat na araw matapos nito. At noong ika-13 ng Marso, nabawian na ito ng buhay.
Ayon naman kay Food and Drug Administration head na si Eric Domingo ay, “It is expected that a few weeks after vaccinatin, your risk of getting the illness is the same as a non-vaccinated person.”
Ibinalita naman ng health department na hindi ito rason upang ipatigil ang nangyayaring vaccination.