Hindi pinapasok ng ospital dahil walang pambayad ng swab test!

Isang buntis na babae ang nagluwal ng kanyang sanggol sa isang kalsada sa Quezon City matapos hindi papasukin ng ospital o mga clinic dahil walang pambayad para sa swab test.

Noong na-interview ang babae, ani nito’y, “Kailangan daw ng swab test. ‘Pag mabilisan PHP 4,800 yata. Wala po kaming pera kasi kargador lang po’ yung asawa ko.”

Nanghihina na ang bagong ina noong dumating ang operatiba ng Task Force Disiplina upang matulungan sila kahit lagpas 1 na ng madaling araw.

Ani ng myembro ng Task Force noon na si Maria Ronessa Serna, “Pauwi na po kami, pagarahe po yung mobile namin ng pinara po kami nung isang lalaki, nanghihingi ng tulong.”

Naabutan nila itong pumutok na ang panubigan at manganganak na talaga, kaya pagka-higa ng buntis sa van ng TF Disiplina, nanganak ito.

Binigyan ito ng pangalang Rainer at may palayaw ng Tasky, hinango mula sa TF Disiplina na nagtulungan upang mapanganak ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.