“Hindi ninyo alam ang consequences. It has something to do with just common sense.”

Sa isang araw na naman ng pagka-Pangulo ni Rodrigo Duterte, nag-lash out na naman ito sa mga proyektong dapat sana’y ginagawa ng gobyerno.

Pinakahuli nitong minasama ang mga nagsulputang community pantries sa bansa na naglalayong matulungan ang mga walang-wala na para sa pangkain sa araw-araw.

Kahit sino pwede kumuha mula sa mga ito at kahit gaan karami pa ang pwedeng kunin. Kahit sino lang din ang pwedeng maglagay ng donasyon, at naipapakita nga ang bayanihan sana ng mga Pinoy na nagtutulungan.

Ngayon, mabigat na kritiko ang ipinataw ni Duterte sa mga donors na “making people line up for food” kahit na ang mga government distribution ng ayuda ay mas malala pa, kung saan mayroong mga testamento na nagsasabing isang buong araw silang nakapila sa ilalim ng tirik ng araw.

Ani ni Duterte, ang mga ito raw ay maaaring mga transmission hotspots ng virus at maging rason para sa pag-spike ng coronavirus cases.

Idinagdag pa nito, “So we are again forced to enforce a quarantine to limit people from going around and passing the virus to a lot of people.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *