Hindi nagustuhan ng Beijing ang pananahimik ng kababayan nila sa kakayahan ni Hidilyn!

Galit umano ang Team China sa Chinese Coach ni Hidilyn Diaz, ang bagong Olympic gold medalist ng Pilipinas, dahil hindi binantaan ni Coach Gao Kaiwen ang mga kababayan tungkol sa improved skill at capability ni Hidilyn sa weightlifting.

Sa isang interview nagbitaw si Hidilyn na, “Hindi makapaniwal ‘yung China na ganito na ‘ko kalakas. Siyempre, si Coach din, hindi niya na-share sa China. Medyo nagalit kasi ‘yung China din sa kaniya kasi hindi niya na-share saan ‘yung lakas ko.”

Ang pagkagulat ng China ay dahil sa 4th placement niya sa Asian Championship noong Abril kung saan nanalo ang China.

Idinagdag ni Hidilyn, “So hindi nila in-expect na malakas na ako ngayong Olympics. So hindi sila nagtanong, sabi ni Coach Gao.”

Kilala kasi ang China bilang powerhouse sa international weightlifting at laging may dalang medalya sa Olympic games. Ito rin umano ang rason bakit pwedeng personal ang epekto nito sa kanila.

Ani pa ni Hidilyn, “Bakit mo ishe-share? Pero siyempre nandito kasi siya para mag-work, to work for me, para palakasin ako. Siyempre mixed feeling yun sa atin kasi nga dahil sa political, international scene sa atin.”

Ngunit sa kabila raw nito ay hindi nagduda si Hidilyn kay Gao dahil committed ito sa pag-train sa kanya sa kabila ng issues ng mga bansa nila sa isa’t isa.

“Walang giyera, pero nai-presenta ko ang Pilipinas, natalo ko ang China.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *