Hindi makakatakas ang TRB sa gulo ng RFID – Poe

Nitong Huwebes sinabi ni Senator Grace Poe na ang Toll Regulatory Board ay hindi makakatakas sa sisi na dala ng kaguluhan ng cashless payment scheme sa mga tollways ng bansa.

Sa isang hearing ng Senate Public Services Committee, binigyan ng kritisismo ni Poe ang TRB. Bilang nangunguna sa hearing at chair ng committee, nagpahayag si Poe na, “The Toll Regulatory Board, as primary regulator of toll operators, cannot escape the blame. It seems to me that the TRB has been content to do two things and nothing else: raise toll rates and collect fees.”

Idinagdag pa ni Poe na kahit pagkokolekta ng toll fees ay hindi nila magawa ng maayos.

Mayroong mga audit reports galing sa Commission on Audit (COA) na dinala ng Senadora sa hearing. Ipinakita niya ang failure ng TRB na magkolekta ng toll fees na umaabot na sa halagang PHP 1B sa dalawang taon. PHP 44.24M noong 2017 at PHP 859.94M noong 2019.

Kailan lamang ay pinagbantaan ang mga opisyal ng TRB ni President Duterte na sila’y tatanggalin sa posisyon sa pagkakaroon ulit ng ‘another fiasco.’

Sabi naman ng TRB na sila ay kumakaharap ng ilang mga problemang dala ng paglipat sa isang cashless na pagkolekta ng toll. Idinagdag din nila na ang kanilang tollway operators ay papalitan ang mga luma at defective na na sensor, mga Radio Frequency Identidication (RFID) tags at kagamitan, at i-relocate ang installation ng mga RFID upang maiwasan ang traffic at congestion sa mga turnpikes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *