‘Hindi kami nagnakaw… Pwede namang isoli…’

Huli sa paghakot sa lahat ng laman ng community pantry ang anim na babaeng wala man lang tinira para sa ibang residente ng lugar.

Nag-viral online ang video na ito, at inatake ng pamba-bash dahil akto ng kaganiran ang nakikita ng mga netizens sa kanila, kung saan ang pantry ay dapat para sa buong komunidad.

Ani naman ng mga babae, para raw ito sa kanilang mga kapitbahay din at sila lamang ang kumuha.

Pero ani ng organiser na si Carla Quiogue na yung mga binigyang kapitbahay naman daw ay libreng makapunta sa pantry para kumuha ng kanilang kailangang kunin.

Ani ni Quiogue, “Hala Grabe pati yung dalawang tray ng itlog nawala, pati tray mismo.

Tinawag ko nga po sila, sabi ko, nakalimutan nila yung lamesa eh. Sabi nila ibibigay na lang daw nila sa kapitbahay nila.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.