“Hindi ito gagawin ng kahit sinong matinong kapitbahay. We are not the dumping site of any country, let alone by a nation laying claims on our territory.”
Ang pag-trato ng China sa Pilipinas bilang inidoro nito’y ‘wake up call’ na ng administrasyon sa katotohanang walang respeto ang Beijing sa territorial rights ng Pilipinas, ayon na rin kay Senator Grace Poe.
Ang pag-dump nito ng waste sa teritoryo ng bansa’y violation sa ilang international at local environmental laws.
Sa isang pahayag nanawagan si Poe na, “The government should ‘strongly condemn’ and demand the immediate cessation of any waste-dumping activities in the area.”
Idinagdag pa nito na ang pag-dump ng Chinese vessels ng waste sa lugar ay nagpapakitang alam nilang hindi kanila ang West Philippine Sea. Dahil kung hindi ay, “They would have respected the ecological value of the rich fishing ground.”
Ani pa niya, “Hindi ito gagawin ng kahit sinong matinong kapitbahay. We are not the dumping site of any country, let alone by a nation laying claims on our territory.”