Hindi gaya ni Duterte, handa ang Pilipinas depensahan ang teritoyo ng bansa – Hontiveros

Mukha ngang inabandona na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang West Philippine Sea sa kamay ng mga illegal Chinese settlers na patuloy nang hinaharass at binababoy ang teritoryong karampatang sa Pilipinas sana.

Sa isang video press release ni Duterte, iginigiit talaga nito na ang tanging paraan lamang upang masa-Pilipinas ulit ang WPS ay sa pamamagitan lamang ng giyera.

Hindi nito pinapansin ang ginagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) na nagdaraos ng diplomatic protests sa China at nagpapadala pa ng mga ambassador sa bansa. Pati na ang pagkakaisa ng mga miyembro ng Senado, mga importanteng opisyal ng military, malalaking business corporations ng Asia, communities ng mga mangingisda, civil society organizations, at ng masa na patuloy na kinokondena ang China online.

Sa isang press release ni Senator Risa Hontiveros inanunsyo nito na ang DFA ay handang makipagtulungan sa ibang bansa habang ang DND naman ay handa ring ipagtanggol ang bayan kung magiging bayolente ang takbo ng sitwasyon. Ipinaalala rin ni Hontiveros na mayroong legal na suporta ang Pilipinas dahil sa pagkapanalo nito sa The Hague noong 2016.

Ikinababahala ng maraming mga personalidad, partikular ng mga politiko, na sinusukuan na nga ni Duterte ang isyu ng WPS dahil sa isang pahayag nito na nagsasabing, “Even if you go there and claim it, walang mangyayari, kanila talaga eh, sa isip nila kanila.” Hindi malayong isipin ng China na sa kanila na pumapanig ang dapat ay pangulo ng Pilipinas.

Naging sentro ng kritisismo ulit si Duterte at pinaalalahan sa pangakong ginawa noong Presidential Debates pagka-Halalan 2016. Ani nito’y magje-jetski siya papunta Spratlys at ibabalandra ang watawat ng Pilipinas sa mukha ng mga Intsik.

Ngunit nanalo nalang si Duterte,at nagwagi ang Pilipinas sa trials ng The Hague, makikitang mula nang malaklak ito sa presidensiya ay kinaibigan nito ng lubusan ang China. Inabandona ng paunti-unti ang pangakong depensahan ang konstitusyon at ang buong bayan ng Pilipinas, at ngayon, iniwan na niya ng tuluyan ang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *