Hinangaan ni Moreno ang pamamalakad sa mga pabrika sapagkat hindi sila nagkaroon ng retrenchments sa kabila ng kasalukuyang kalagayan ng bansa.

Binisita ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang tatlong Pampanga Factories nitong Oktubre 28. Kasama sina vice president candidate Dr. Willie Ong, senatorial candidates Samira Gutoc, Jopet Sison, at Carl Balita, nagtungo ang grupo ng Aksyon Demokratiko sa pabrika ng Pampanga’s Best, ABS Corp., at Co Am Philippines Inc.

Lubos ang paghanga ni Moreno sa pamamalakad ng mga may-ari ng tatlong kumpanya sapagkat napagtagumpayan nilang naiwasanang pagkakaroon ng anumang entrenchments sa kabila ng COVID-19 pandemic. Dagdag pa niya, isang magandang huwaran ang mga kumpanyang ito lalong-lalo na sa mga small at medium enterprises.

“I am very much impressed by what I saw today in the three factories we visited. These should be model companies during the pandemic. They never closed shop. Not a single employee was retrenched. And their business continues to thrive despite the lockdowns. I wish many small and medium enterprises can learn from them,” aniya ni Moreno.

Ipinarating naman ni Moreno na pinupuntirya niyang pataasin ang available loan pool sa mga performing MSMEs (Micro, Small and Medium Enterprises) magmula sa kasalukuyang P1.5 bilyon hanggang P30 bilyon. Sa pamamagitan nito, mapapaunld at mapapadali ang pagpapatayo ng mga sariling negosyo.

Ninanais ni Moreno na makahikayat ng maraming entrepreneurs upang magkaroon ng mga negosyong makapagbibigay ng job opportunities sa mga tao. Hindi lamang ito makakatulong sa mga negosyante kundi pati rin sa mga taong naghahanap ng trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *