Hinahangaan umano ang aktres ang anak dahil sa katapangan nito, at nanghingu ng sorry sa lahat ng pagkukulang niya

Malalim ang laman ng mensahe ni Jaclyn Jose para sa anak nitong si Andi Eigenmann sa pinakahuling Instagram post nito.
Ang post ay naglalaman ng litrato nilang mag-ina noong sanggol pa si Andi, at mayroong caption na hinugot ni Jaclyn sa puso.
Pahayag ng aktres, “Anak, hinahangaan kita sa kung anong meron ka sa buhay ngayon.
Napakatapang mo, sana ako rin. Ang ganda ng pagpapalaki mo sa mga bata.
Sorry sa lahat ng pagkukulang ko… Mag ingat ka palagi.”
Maraming beses nang nagpahayag ng partisipasyon at suporta si Jaclyn sa buhay Ina ng anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *