Healing is Coming

Ang mga healthcare workers ng USA ay nagsagawa na ng mga unang Covid-19 shots nitong Lunes, umaasang ito ang posibleng makapag-patalo na ng pandemic sa bansa nila.

Ayon sa isang critical nurse na si Sandra Lindsay ng Long Island Jewish Medical Center sa New York, “I feel like healing is coming,” manapos siya maunang ma-inoculate.

Habang sa Colorado, si Governor Jared Polis ang mismong nagbukas ng delivery door sa FedEx driver na naghatid sa 975 frozen doses ng Bakuna na galing sa Pfizer Inc. at BioNTech.

Ang shots na isinagawa nila ang itinuturing na pinakamalaking vaccination effort sa kasaysayan ng US, at tinuturing nilang posibleng makatulong sa bansang malagpasan na ang outbreak.

Mula Rhode Island hanggang Alaska, 145 na sites ang nakatanggap na ng shipments at mas marami pa ang dadating sa mga susunod na araw. Ang mga high-risk health care workers ay nauna sa linya ng mga makakatanggap ng bakuna.

Diumano’y ang pagsubok ay maiparating ang bakuna sa milyong mga at-risk health workers, at kinikinita nila itong pagbabakuna na kanilang ginagawa ay makakatulong na talagang maremedyuhan ang nangyayaring epekto ng pandemic sa kanilang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.