“He rose from poverty and is an inspiration to the underprivileged Filipinos to be able to defeat poverty with dignity.”
Suportado ng mga Cebuano si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagtakbo nito para sa nalalapit na halalan sa May 2022. Ilang mga multiple-sektoral na grupo sa Cebu ang naglunsad ng isang kilusang “Isulong ang Kapakanan ng Pilipinas (Primo-Isko)” at nagdaos ng event sa lugar na dinaluhan ng higit isang daang tao upang maiahayag ang kanilang kagustuhang tumakbo nga ito sa posisyon.
Ang Primo-Isko ay binubuo ng mga kabataan, kababaihan, informal settlers, mangingisda, laborers, magsasaka, PWDs, at mga transport sectors.
Kinilala ng grupo ang kagalingan ni Moreno sa pamumuno at pagmamalasakit nito sa mga mahihirap na labis na hinangaan ng lahat. Ani pa nila, si Moreno isang tao na determinado, marangal at tapat na tagapaglingkod sa bayan. “He is the leader who will truly make a difference,” dagdag pa ng grupo.
Pahayag din ng isa sa mga lead convenor na si Edward Ligas, “The group has decided to support the candidacy of Isko Moreno mainly because of his strong potential to effectively lead the country in this challenging era.”
Malaki ang kanilang tiwala na mas marami pa ang susuporta at tataas ang ranking ni Moreno sa papalapit na kampanya. Pahayag pa nila, “Isko Moreno is not a trapo (traditional politician). He is no political royalty. He rose from poverty and is an inspiration to the underprivileged Filipinos to be able to defeat poverty with dignity.”