Hangarin ni Moreno na makapagpatayo ng mga imprastrakturang makakatulong sa mga mamamayanan at makakapagpalago ng ekonomiya.

Ipinahayag ni Aksyon Demokratiko Presidential bet at Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hinahangad niyang ipagpatuloy ang mga magagandang programa na nasimulan ng kasalukuyang administrasyon. Isa nito rito ay ang “Build, Build, Build” program.

Ipinabatid niya na layunin niyang pabilisin at palawakin ang sakop sa pagpapatayo ng mga imprastraktura sa bansa upang mapamahigian ng mga benepisyo ang lahat.

Pahayag ni Moreno, “Pag meron bagong, tulay, highway, airport, sea port, at MRT, siguradong nandyan ang maraming trabaho at maraming opportunity para mas kumita ang tao. ‘Yan naman ang prayoridad ng aking administrasyon, Buhay at Kabuhayan,”

Sa pagdalaw ni Moreno sa Central Visayas, naipamahagi niya ang kayang mga plano at plataporma upang mapaunlad ang ekonomiya ng Visayas Region. Pinupuntirya niya ang pagdudugtong-dugtong sa mga lugar sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga tulay. Sa pamamagitan nito, maaari ring maging economic center ang Visayas sapagkat mas mapapadali ang mga transaksyon at daloy ng kanilang ekonomiya.

Sa pamumuno ni Moreno, magiging prayoridad niya ang buhay at kabuhayan ng bawat mamamayanan. Sisikapin niyang pakinggan ang bawat hinaing ng mga tao nang sa gayon ay mabigyan niya ito ng karampatang solusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *