“Hangarin ng ating komite na matiyak na uunahin ng mga aplikante ng prangkisa ang kapakanan ng ating mga kababayan.”

Magkakaroon ng virtual hearing na pangungunahan ni Senator Grace Poe para sa mga aplikasyon ng water franchises.

Ayon pa kay Poe ang komite ay naghahangad na ang mga aplikante ay iuuna ang kapakanan ng mga kababayang gagamit ng services nila.

Ipinarating na ni Poe dati na masinsinan nilang hihimayin ang mga aplikante at sisiguruduhing hindi magiging madali ang daan nila para masigurong sila’y magdadala ng malinis at ligtas na tubig at hindi magbibigay ng madalasang water interruption.

Sa kasalukuyan, mayroong aabot sa 15M Pinoy ang walang mapagkukunan ng tubig at may 55 na katao ang namamatay dahil sa problema sa tubig.

Iginigiit niya, “Ang pagkakaroon ng ligtas at abot-kayang tubig ay krusyal sa ating laban sa hindi nakikitang virus.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.