Hangad ni Moreno na mapalakas ang depensa ng bansa upang maprotektahan ang mga mangingisda at ang ating mg likas na yaman!

Pinagtitibay ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mapalago at mapalakas ang maritime defense ng bansa para maprotektahan ang mga Pilipinong mangingisda at madepensahan ang likas na yamang pag-aari ng bansa.

Ani pa ni Moreno, “I’m tired of receiving arms, of receiving bala. I’m gonna ask what we need…. If given a chance to ask for help, simple lang hihingin ko – give me Navy, give me Coast Guard. I’m an archipelagic country. I want to stop throwing silver to my fellow Filipino.”

Upang mapagtibay ang kanyang layunin, inilunsad ni Moreno ang sumusunod na mga plataporma:

  • Plano na ipatupad ang Hague Ruling
  • Pagtibayin ang alyansa sa bansang US para mapalakas ang maritime defense sa bansa
    -Kita ng langis na matatagpuan sa WPS ay gagamitin upang mabawasan ang mga presyo sa kuryente
  • Joint oil exploration katulong ang Tsina na magsusupply ng mga kagamitan para sa paggalugad

Patuloy na pinagsisikapan ni Moreno na mapalakas ang depensa sa bansa para sa kapakanan ng mga Pilipino at masiguro na ang ating mga likas na yaman ay mapapakinabangan ng ating mga kababayang mangingisda.

“I want to protect the country, make it stronger, and position ourselves in the next 20 years so that such thing that happened in West Philippine Sea will not happen anymore in other remaining islands,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *