Hangad ni Moreno na mabigyan ng magandang healthcare facilities at maprotektahan ang kalusugan ng bawat Pilipino!
Patuloy pa rin na isinasagawa ni Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mga proyektong pang-imprastraktura sa lungsod at patuloy pa itong dumadami. Isa na dito ay ang pagpapabuti at pagtitibay ng mga healthcare facilities sa lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa aspeto ng kalusugan.
Bilang parte ng #BilisKilos initiative ni Moreno, ilan sa mga proyekto at mga planong inilunsad nito ay ang mga sumusunod:
-Manila Field Hospital
-Corazon C. Aquino General Hospital
-Bagong Ospital ng Maynila
-Renobasyon ng Dialysis Unit sa Sta. Ana Hospital
-Pagbubukas ng Flora V. Valisno de Siojo Dialysis Center na tinaguriang pinakamalaking pasilidad ng dialysis sa Pilipinas
- Planong renobasyon sa 60 health centers ng Maynila
Isa sa mga layunin ni Moreno ay mapabuti at magbigay ng abot-kayang healthcare para sa mga residente lalo na sa mga mahihirap dahil alam niya kung ano ang pakiramdam ng nangangailangan ng medikal na atensiyon ngunit hindi ito kayang bayaran.
Ani pa ni Moreno na handa itong gumastos kahit malaking halaga para sa health care ng mga Manilenyo dahil aniya walang katumbas na pera pagdating sa buhay na kanilang maisasalba. Kaya naman labis ang pagsisikap nito para sa mga taga-Maynila, at sa lahat ng mga Pilipino.