Hangad ni Moreno na mabigyan ng abot-kaya at komportableng tahanan ang mga Pilipino.

Tuloy-tuloy pa rin na isinasagawa ni Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mga proyektong pang-imprastraktura na inilunsad nito at patuloy itong dumadami. Isa na dito ay ang abot-kayang pabahay na programa nito para sa mga mahihirap na residente ng Maynila.

Nilinaw ng beteranong lokal na opisyal na ang pagbibigay ng abot-kayang pabahay para sa mahihirap na Pilipino ay isa sa kanyang mga pangunahing priyoridad.

Ilan sa mga proyektong pabahay na parte ng #BilisKilos na programa nito ay ang mga sumusunod:
1) Basecommunity
2) Tondominium 1 and 2
3) Binondominium
4) San Lazaro Residences
5) Pedro Gil Residences
6) San Sebastian Residences

Ang pagbibigay ng murang pabahay sa milyun-milyong mahihirap na Pilipino ay hindi maliit na layunin, ngunit puno ng dedikasyon si Moreno na ang kanyang programa ay maisagawa sa pambansang saklaw upang matulungan ang lahat ng Pilipino.

“We will not stop. We will put a roof over people’s heads…. We will give them homes,” dagdag pa nito. Patuloy pa rin ang kanyang pagsisikap na mapabuti ang kapakanan at pamumuhay ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *