Hangad ni Isko na maprotektahan rin ang mga kabataan para walang maiwan sa pagbangon.

Ipinahayag ni Francisco “Isko” Moreno Domagoso na sinimulan na ng Manila LGU ang pambabakuna sa Ospital ng Maynila Medical Center sa mga kabataang may edad na 12 hanggang 17 na may comorbidities.

Kasama ni Moreno sina bise alkalde at doktora Honey Lacuna, direktor ng Health Department ng Maynila na si Dr. Arnold Pangan, at Ospital ng Maynila hospital director Dr. Karl Laqui sa pilot launch ng pambabakuna sa mga kabataan.

Ayon kay Morenoo, naghanda na ang pamahalaang lungsod para sa pamamahagi ng bakuna noong Setyembre at tinatayang aabot sa 23,354 na mga bakuna ang hinanda para sa mga menor de edad na residente ng Maynila.

Pahayag pa nito na napakahalagang mabakunahan ang kabataan upang mapanatiling ligtas sila mula sa impeksiyon at para makabalik na sila sa eskwelahan. Mahalaga na sila ay mabigyan ng proteksyon upang sila ay makapamuhay ng malaya at maayos katulad ng bawat isa na bakunado na.

Tunay na walang maiiwanang Pilipino at lahat ay kasama sa pagbabagong hatid ni Moreno. Kitang-kita ang pagsisikap nito na mabalik muli sa normal ang lahat at mapabuti ang pamumuhay ng bawat mamamayan kasabay ng pag-unlad ng lungsod na tinitirhan

Leave a Reply

Your email address will not be published.