Hangad ni Hontiveros, suportahan at paigtingin ang diwa ng kooperatiba.
Nagsadyang pumunta si Senator Ana Theresia “Risa” Hontiveros sa Iloilo upang personal na malaman ang kalagayan ng mga transport coops sa lugar. Nakipagpulong siya sa mga miyembro ng transport coops at dininig ang kanilang mga suliranin na kinakaharap.
Katulad ng mga tsuper, ipinahayag ng mga miyembro ng kooperatiba na naapektuhan rin sila sa pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. Bukod pa rito, mayroon ring iba sakanila na hindi pa nababayaran ng gobyerno sa isinagawang service contracting program.
Ipinarating naman ni Hontiveros ang kanyang pasasalamat sa mga miyembro ng kooperatiba sapagkat ibinahagi nila ang mga ito sakanya. Tinitiyak niyang magsasagawa ang gobyerno ng mga aksyon upang matugunan ang mga pangangailangan at problema ng mga kooperatiba.
Sa pagbubunyi ng National Cooperative Month ngayong buwan ng Oktubre, pinapangako ni Hontiveros na mas lalo niya pang paiigtingin ang samahan at diwa ng kooperatiba na pakikipagtulungan sa kapwa. Bukas ang kanyang mga tainga para pakinggan ang lahat ng mga suliranin na kinakaharap ng mga tao. Ang pakay niya’y makatulong at magbigay ng suporta sa kapwa ng walang naiiwan.