Gustong patakbuhin upang makitang matalo lang!

Confident na binabalandra ni dating Senator Antonio Trillanes IV na kung may Duterte na tatakbo sa Halalan 2022 ay matatalo lamang ito.

Gusto nitong tumakbo si Pangulong Duterte at ang anak nitong si Mayor Sara Duterte-Carpio upang makita lamang silang matalo.

Ani nito sa ‘The Mangahas Interviews’, “Ang personal preference ko ay dapat may tumakbong isang Duterte nang sa ganoon magkaroon ng opportunity ‘yung taumbayan na i-reject itong Duterte name sa Philippine politics para naman ma-redeem natin ‘yung ating national soul at mapakita natin sa buong mundo na hindi tayo ganyan as a people.”

Matatandaang hindi suportado ni Duterte ang anak na si Sara sa pagtakbo, na tinuturong hindi umano angkop para sa isang babae ang trabaho.

Habang si Sara nama’y nauna nang magpahayag na wala sa plano niya ngayong paparating na eleksyon ang pag-takbo sa pagka-Presidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *