Gusto ni Presidente bayaran ng tama ang paghohost natin ng US troops
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque $3.9 billion lamang ang binayad ng US para sa 2001 to 2017. Ang Pakistan naman nakatanggap ng $16 billion para sa same time period. Dagdag pa ni Roque kung hindi babayaran ng America, ipapatigil ng pangulo ang Visiting Forces Agreement.
Si VP Leni Robredo at Former Foreign Secretary Albert del Rosario tutol sa demanda ng pangulo. Tinawag ni Leni na extortion at unfortunate naman sabi ni Del Rosario. Sabi naman ni Roque na hindi extortion ang demanda ng pera, para ito sa interes ng taong bayan. Makakatulong ang pera sa Covid response at social services.