Gulat at galit ang bagong ama na si Markus Paterson matapos maging biktima ng pambabash ang 5-month-old baby nila ni Janella

Galit at tapang ang ipinakita ni Markus Paterson sa social media accounts nito para balikan ang mga netizens na ginawang kakatawanan ang baby nil ani Janella Salvador. Ang 5-month-old baby na si Jude Trevor.
Noong ika-7 ng Abril nag-react ang dalawa sa mga pambabash ng mga netizen sa itsura ng baby nila.
Ani ng isang basher, “Jusko po panginoong mahabagin bakit ganyan ang mukha ng batang yan.”
Nireplyan ang comment na ito ng iba pang netizens na ginawang kakatawanan si Jude.
Dahil sa insidente, bumuwelta ang parents sa mga ito gamit ang social media nila.
Ang initial commentor ng panlalait ay mayroon nang ipinost na public apology sa Facebook timeline nito na ni-quote tweet ni Markus sa twitter account niya.
Hindi lamang ito ang indibiduwal na nanlait sa anak nila kaya patuloy rin ang atake pabalik ni Markus sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.