Granular lockdowns, panlaban sa pandemya! Mga apektadong residente, makakatanggap pa rin ng ayuda!

Ipinababatid ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pagpapababa ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Modified ECQ sa Metro Manila, Laguna, at Bataan ay aksyon nila para mabalanse ang kaligtasan at kalusugan ng mga residente habang mayroong konsiderasyon din para sa akonomiya.

Ani pa ni Nograles, “We think that these can be accomplished as long as the LGUs impose strict granular lockdowns.”

Tinanggihan nito ang mga haka-haka online na nagsasabing ang downgrade ng quarantine umano’y dahil sa kakulangan ng cash aid at ayuda.

Idinagdag nito na ang paglalagay sa mga ito sa MECQ ay nagpapaghintulot sa mga LGU na magimplementa ng granular lockdowns. Ani pa niya, “In this way, the economy in barangays that do not have high cases and clustering will not be affected.”

Ang mga pamilyang masasailalim sa granular lockdowns ay mayroong matatanggap na asisstance mula sa DSWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *