Grace Poe, humingi ng aksyon mula sa AMLC para mawala ang Pilipinas sa FATF grey list.

Pinagtutuonan na ngayon ng pansin ni Senator Grace Poe ang pagkakabilang ulit ng Pilipinas sa lista ng Financial Action Task Force (FATF) ng mga bansang mayroong high risk sa money laundering at terrorist financing.

Ngayon hinahanapan niya ng reports ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang malaman ang efforts at mga pagsubok na maaring kakaharapin nito upang matanggal ang bansa sa lista ng FATF.

Ipinuna pa niya na mayroon na ngang bagong batas na isinapasa’t napirmahan na upang mapalakas lalo ng Anti-Money Laundering Act (AMLA).

Sa isang written report na isinumite sa Senado ani ni Poe na, “We expect a substantial update from the AMLC on the concrete steps and direction we are taking to ensure progress on our compliance.”

Ang pagkakasali ng isang bansa sa listang ito ng FATF ay nangangahulugang mas mataas na interest rates at processing fees sa mga apektadong bansa, at ngayon, sa mga Filipino. Dagdag pa rito’y dinamihan ang layers sa pag-proseso ng mga pinansiyal na mga gawain na magdadala ng delays.

Concern dito ay ang mga OFWs ng bansa na direktang naaapektuhan ng countermeasures na nabanggit sa itaas at para ma-empower sila, ani ni Poe na, “The government must ensure that those who are earning lawfully and legally are not inconvenienced. We cannot afford to deal with more financial challenges as we reel from the brunt of the pandemic.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *