Ginulat niya ang Instagram nang pinakita ang bagong look, long hair no more!
Sa Instagram ginulat ni Toni Fowler ang kanyang mga fans sa napakalaking pagbabago sa look niya.
Mula sa napakahabang magandang buhok, nag-shave ng buong ulo si Toni, at lahat ng ito’y kagagawan pala ng kanyang bestfriend na si Unicorn Arellano.
Sa bagong vlog niya nabulgar na si Unicorn pala ang nasa likod ng bagong look niya. Ani naman ni Unicorn, naniniwala raw si Toni na, “Tablahin mo na lahat, kahit sino, wag lang sa araw ng birthday niya.”
Ang kaalamang ito raw ang nagbigay ng confidence kay Unicorn na ishave ang parte ng buhok ni Toni dahil alam niyang hindi ito aalma.
Patungkol sa pagkakalbo ng isang babae, sabi ni Toni na, “Okay lang naman, kaya ko magkalbo eh. Actually, dati talaga gusto ko talagang gawin na magkalbo. Kaso nga lang, naalala ko dati sabi ng ex ko hindi daw niya kaya na may jowa siyang kalbo.”
Papunta sa huling bahagi ng vlog pinakita ang mga reactions ng mga kasama niya sa bahay pagkakita as kalbong ulo niya. May nagsabing kamukha niya ang American actress na si Amber Rose, at nagustuhan ng anak niya ang bagong look.