“Gamitin na lamang sa ospital upang makabawas sa gastusin at intindihin ng taumbayan”
Ipinapanawagan ni Manila Mayor Isko Moreno sa nasyunal na gobyerno na ibasura na ang face shield policy!
Pahayag ng alkalde, “Ang face shield ay dapat ipatigil nang i-require sa general population at gamitin na lamang sa ospital upang makabawas sa gastusin at intindihin ng taumbayan.”
Ginawang mandatory kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsusuot ng full face shields at face masks sa pampublikong mga lugar upang ‘effectively lessen the transmission of COVID-19.
Pati ang Department if Health (DOH) ay inirerekomenda pa rin ang pagsusuot ng face shields kahit sa mga nakapagbakuna na upang mapaliit ang tsansa ng transmission.
Taliwas sa suhestyon ni Moreno, pahayag naman ni Infectious Disease specialist Dr. Edsel SalvaƱa na ang requirement ng pag-gamit sa face shields ay ‘grounded on solid science.’
Idinagdag pa niya na pinapaliit nito ang risk ng eye infection ng 78% na nagpapataas sa protection rate mula sa pagsusuot lamang ng mask.
Idiniin niya rin na hindi pa oras ng Pilipinas mag-relax sa minimum health standards dahil kaunti palang ang nababakunahan. Ani pa niya, “We just have to keep at it and we will soon regain our freedom. Further missteps will just prolong the pandemic.”