Galit na galit ang mga Senador sa LTO Officials sa nagbabantang matitirik na bayaran sa roadworthiness inspection sa mga pribadong inspection centers.
Pinapasuspende nina Chairman of Committee of Public Services Sen. Grace Poe at ibang miyembro nito ang additional registration requirement ng LTO. Gusto ng LTO na magpainspect ang car owners sa mga pribadong motor vehicle inspection centers para matukoy kung road worthy ang sasakyan bago ito irehistero.
Inacknowledge ni Sen. Grace na mabuti naman ang hangarin ng mga LTO Officials na mabantayan ang road worthiness ng mga sasakyan pero kung iyon daw talaga yung hangarin nila, dapat inuna daw nila ang mga public utility vehicles. Mukha tuloy sabi niya pera para sa mga pribadong kompanya ata ang habol dito.
Sa pagtatanong din ng mga Senador, napagtawanan pa ang gawain ng LTO. Napag-usapan kasi ang kasalukuyang inspection fees. Nagbabayad na kasi daw ang mga car owners nito tuwing nagpaparegister ng kotse kaso kunwaring iniinspect lang ng LTO.