Galing sa COVAX facility ang mga jabs na matatanggap ng bansa sa ika-8 ng Mayo

Inanunsyo na makakatanggap ang Pilipinas ng 2 Million AstraZeneca vaccines mula sa COVAX Facility ngayong ika-8 ng Mayo, Sabado.

Ani ni Senate Committee on Health chair Sen. Christophe “Bong” Go, “Malaking tulong lalo na ang AstraZeneca dahil marami sa ating mga medical frontliners, senior citizens, at ‘yung mga merong comorbidities ang nabigyan na po ng first dose nito at naghihintay na lang maturukan ng kanilang second dose.”

Ang Pilipinas ay itinalang ikalawa sa mayroong pinakamaraming COVID-19 cases sa buong SouthEast Asia. Nagsimula lamang ang bansa sa inoculation program nito noong Marso gamit ang mga bakuna galing Sinovac at AstraZeneca.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *