Family photos nila Sunshine, ginawang kabastusan ng ilang mga netizens!

Sa kanyang pinakahuling Facebook post, cinall out ni Sunshine Cruz ang mga Facebook Pages na ginawang kabastusan ang litrato niya kasama ang pamilya. Humiling din itong i-report ng mga kaibigan at followers niya na i-report ang 2 FB pages na gumawa nito.

Nabanggit ni Sunshine sa caption na, “Sa mga hindi aware, Macky’s face was edited. Binago at ginawang porn actor.

The comments you see are disgusting. Let’s not tolerate this kind of behavior here on Facebook.”

Idinagdag niya na ikinalulungkot nito kung gaano kadali para sa ibang users na magsabi ng mga masasamang komento sa social media. “Which reveals the person they are. They must’ve forgotten na may mga babae din silang kapamilya.”

Ilang beses nang naging sentro ng bastos na mga komento at pambibiktima ang pamilya, partikular ang mga anak ni Sunshine. Matatandaang noong nakaraang taon kinailangan din niyang mag-speak up sa ilang social networking sites upang maprotektahan ang anak mula sa mga kaklase nitong puro kabastusan lang ang komento sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.