Extension ay kakailanganin para mabigyan ng panahon ang mga botanteng matiyagang pumila at makapag-rehistro.

Isinusulong ni Risa Hontiveros na taasan pa ang panahon ng pagpaparehistro ng mga hindi pa botante bilang paghahanda sa May 2022.

Maaalala na itinakda sa September 30,2021 ang deadline ng pagrerehistro ng botante bago paman magpademya. Ngunit dahil sa lockdowns na inilunsad, sinuspinde ang pagpaparehistro sa ilan sa mga lugar sa bansa.

Ngayon, maraming mga Pilipino ang pumipila ng maghapon at gumigising ng madaling-araw para lang makapagparehistro. Nagtataasan na ang linya sa mga lugar katulad nalang sa SM Tungko, Lipa City, Bacolod, at Robinson’s Palawan dahil nagdagsaan ang mga botanteng nais magparehsitro.

Ani pa ni Hontiveros, kailangan ang pagextend sa panahon ng pagpaparehistro bilang adjustment sa pandemyang kinakaharap at upang mabigyan ng oportunidad ang mga Pilipinong makapagrehistro at makaboto dahil ito ay kanilang karapatan.

Pahayag pa niya, “EXTEND REGISTRATION and fix their deadlines. NO EXCUSES.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *