Excited makilala ang ibang pambato, ayon kay Rabiya!

Nagka-virtual chat ang Reigning Miss Universe 2019 na si Zozibini Tunzi kasama ang ilang mga kandidata ng 2020 Miss Universe, kabilang na ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Bawat isa sa kanila ay kinumusta ni Tunzi, at itinanong kung anong parte ng kompetisyon ‘they look forward to the most.’

Tugon ni Rabiya, “I’m excited to meet the girls. It’s a celebration of diversity. We’re from different backgrounds, different experiences.

And we are there not just to compete and bring home the crown. We are here to celebrate who we are as women.”

Idinagdag ni Rabiya na ang suporta ng mga kapwa niya Filipino ay nakatulong upang manatili ang motivation na ipanalo na ang ikalimang Miss Universe crown ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.