“Everyone wants to get back to work, but at what cost?”
Kailan lang ipinaalam ng palasyo na para sa taong 2021, ang November 2 at December 24 at 31 ay idineklarang ‘Special Working Holidays’ upang mas maengganyo ang ekonomiyang maka-recover na.
Idinagdag ni presidential spokesperson Harry Roque na ito rin ay upang ‘to recover for lost time’ matapos ang umano’y isang taong ‘vacation’ dulot ng COVID-19 Pandemic na lockdown.
Umani naman ito ng reaksyon galing sa ilang mga pigurang pampubliko, gaya nalang ng GMA journalist na si Atom Araullo na dinala sa Twitter ang diskusyon.
Ani nito, “I don’t know if anyone would characterize this exhausting, anxiety-ridden, one-of-the-longest-in-the-world lockdown as a vacation.
Everyone wants to go back to work, but at what cost?”
Sinuportahan siya ng mga netizens na nagpahayag ng pagsang-ayon sa mga replies at quote tweets ng mismong twitter post niya.