EO ni Duterte para maresolba ang pork issue, makakasama lang sa pork industry sa bansa!
Marami nang grupo, galing gobyerno at mga non-government organizations, ang naghikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-withdraw ang naunang executive order nito na magpapababa sa tariff rate ng pork imports.
Ang EO 128 ay nagtatakda sa pagpapababa ng tariff rates ng pork imports ng isang taon upang maayos ang supply issues ng bansang nagdusa dahil sa African Swine Fever. Ang pag-aayos at pagsisiguro ng supply ay makakapagpababa sana ng presyo nito hangga’t name-meet ang demand.
Ito rin ay naaayon sa rekomendasyon ng Department of Agriculture na naghikayat sa gobyernong pataasin ang Minimum Access Volume (MAV) ng pork imports mula sa kasalukuyang 54,210 metric tons hanggang sa 404,000 metric tons.
Ngunit ang kabilang parte ng solusyon sanang ito ay na ang reduction ng tariff at pagtaas ng MAV ay hindi makakaresolba sa mataas na presyo ng baboy, at na ito’y aksaya lang ng sana’y revenue ng bansa sa tariff.
Ibinahagi ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines party list na concerned sila na ito’y makakapatay sa local industry ng bansa na maayos naman sana ngunit nakakaranas lang ng setbacks sa kasalukuyan.
Dapat umanong tulungan ang mga lokal nating hog raisers na maka-recover sa tama ng pandemya at ASF imbes na pabigatin pa ang pasanin nila gamit ang pork imports na babaha sa mga palengke natin.