Entertainment – Meryll Soriano binulgar ang bagong anak at pakikipagbalikan kay Joem Bascon

Sa isang Instagram post noong Bagong Taon, nagpakita ang aktres na Meryll Soriano ng kanyang ‘family’ picture kasama ang anak na si Elijah Palanca, isang newborn baby, at ang aktor na si Joem Bascon.

Sabi niya sa post na, ‘2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy, and love.’

Kinumpirma ng post ang mga haka-haka noong Enero ng nakaraang taon na ang dalawang aktor ay nagkabalikan. Kapwa nilang iniwasan ang magsagot sa mga katanungan tungkol dito matapos mag-viral ang ex ni Bascon na si Crisha Uy sa kanyang emosyonal na vlog.

Si Meryll at Joem ay nagkitang muli para sa kanilang 2019 na pelikulang, ‘Culion.’

Leave a Reply

Your email address will not be published.